Clean Lyric
Paragraph Lyric
Sa pagmulat ng aking mata
Ako'y ginising ng ihip ng hangin
Ang sikat ng araw, makulay

Sa tabi ng ilog
Parang may tumatawag
Na pabulong
Ako'y lumapit
Sa puno'y may natanaw
Dumilim ang araw

Bumigat bigla ang aking dibdib
Tibok ng puso'y bumilis
Ako'y hindi mapakali
Ako'y naduduwal

Sa pagtitig ng kanyang mata
Ako'y kanyang hinusgahan
Ligaya kong naramdaman
Binawi sa akin

At hindi ko maalala
Kung saan galing ito
Mga bahid ng dugo
Dumikit sa aking mga kuko

Tumakbo, lumayo sa lugar na 'to
Lalamunan ko'y tuyong-tuyo
Tumakbo, lumayo sa titig mo
Sa mata ng diyos

Biglang umikot ang paningin
Liwanag ng araw, biglang dilim
Malambing na ihip ng hangin
Ngayon ay matalim

Ako'y nawala sa 'king sarili
Pati ang lupa'y gumanti
Bato't bundok at puno man
Sumisigaw, sumisigaw

At ngayon ko nakikita
Ang lahat ng kasalanan
Tinaboy sa ulan, init at kamunduhan

Tumakbo, lumayo sa lugar na 'to
Lalamunan ko'y tuyong-tuyo
Tumakbo, lumayo at magtago
Sa mata ng diyos
Mata ng diyos

Inalok ako ng isang ahas
Pula't matamis na mansanas
Pilit ko man, hindi makaiwas
Sa mata ng diyos
Sa pagmulat ng aking mata   Ako'y ginising ng ihip ng hangin   Ang sikat ng araw, makulay      Sa tabi ng ilog   Parang may tumatawag   Na pabulong   Ako'y lumapit   Sa puno'y may natanaw   Dumilim ang araw      Bumigat bigla ang aking dibdib   Tibok ng puso'y bumilis   Ako'y hindi mapakali   Ako'y naduduwal      Sa pagtitig ng kanyang mata   Ako'y kanyang hinusgahan   Ligaya kong naramdaman   Binawi sa akin      At hindi ko maalala   Kung saan galing ito   Mga bahid ng dugo   Dumikit sa aking mga kuko      Tumakbo, lumayo sa lugar na 'to   Lalamunan ko'y tuyong-tuyo   Tumakbo, lumayo sa titig mo   Sa mata ng diyos      Biglang umikot ang paningin   Liwanag ng araw, biglang dilim   Malambing na ihip ng hangin   Ngayon ay matalim      Ako'y nawala sa 'king sarili   Pati ang lupa'y gumanti   Bato't bundok at puno man   Sumisigaw, sumisigaw      At ngayon ko nakikita   Ang lahat ng kasalanan   Tinaboy sa ulan, init at kamunduhan      Tumakbo, lumayo sa lugar na 'to   Lalamunan ko'y tuyong-tuyo   Tumakbo, lumayo at magtago   Sa mata ng diyos   Mata ng diyos      Inalok ako ng isang ahas   Pula't matamis na mansanas   Pilit ko man, hindi makaiwas   Sa mata ng diyos