Currently No Video Available
Clean Lyric
Paragraph Lyric
Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa'yoy pinagkaitan
Huwag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan

[Chorus]
Di nalalayo sa'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay mang tulad mo
'Di makita, 'di marinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangan na buhay na banal

Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin wala sa'yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman

(Repeat Chorus)

Ano sa'yo ang musika, sa'yo ba'y mahalaga
Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig
Mapala ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo

(Repeat Chorus 2x)
Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan   Anyo at kulay ng mundo sa'yoy pinagkaitan   Huwag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan   Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan      [Chorus]   Di nalalayo sa'yo ang tunay na mundo   Marami sa ami'y nabubuhay mang tulad mo   'Di makita, 'di marinig, minsa'y nauutal   Patungo sa hinahangan na buhay na banal      Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin   Sigaw ng puso't damdamin wala sa'yong pumapansin   Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan   Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman      (Repeat Chorus)      Ano sa'yo ang musika, sa'yo ba'y mahalaga   Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig   Mapala ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo   Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo      (Repeat Chorus 2x)
 
RELATED SONGS
RELATED ARTICLES