Clean Lyric
Paragraph Lyric
Kay tagal ko nang pangarap
At lagi nang dasal
Pag-ibig na sadyang wagas
Ngunit waring kay ilap
Ng palad kong ito
At ako'y patuloy na bigo

O pusong kay sakit
Ala-alang kay pait
At kung muling balikan ang lahat ng nagdaan
Tila wala pang minahal at walang natagpuan
Nais ko sanang mag-isa't huwag ng umibig pa

Kung yan man ay totoo at manatili sa mundo
Na walang buhay
Walang kulay
Walang nagmamahal
Ngunit kung ako'y mahihintay
Umasa pa't umibig pang muli
Minsan pa

Minsan pa akong nangarap
At sana'y maganap
Sa'yo'y ibibigay lahat
Narito ngayo't kailanman
Ikaw ang langit ko
Tanging ningning ng buhay ko

Halina sa piling ko
Alisin ang takot ko
At sa muling malasap
Ang pag-ibig na ganap
At ang pangarap na mundo
Ay matupad sa piling mo
Ayaw ko nang muling mabuhay na nag-iisa

Ikaw ang simula't wakas
Ang ngayon at ang bukas
Ikaw ang pag-asa habang buhay
Mahal pa rin kita
At hanggang wakas
Pag-ibig ko'y sadyang wagas
Ngayon at kailanman...
Aahhh...

At ang pangarap na mundo
Ay matupad sa piling mo
Ayaw ko nang muling mabuhay na nag-iisa

Ikaw ang simula't wakas
Ang ngayon at ang bukas
Ikaw ang pag-asa habang buhay
Mahal pa rin kita
At hanggang wakas
Pag-ibig ko'y sadyang wagas
Ngayon at kailanman
Minsan pa
Kay tagal ko nang pangarap  At lagi nang dasal  Pag-ibig na sadyang wagas  Ngunit waring kay ilap  Ng palad kong ito  At ako'y patuloy na bigo    O pusong kay sakit  Ala-alang kay pait  At kung muling balikan ang lahat ng nagdaan  Tila wala pang minahal at walang natagpuan  Nais ko sanang mag-isa't huwag ng umibig pa    Kung yan man ay totoo at manatili sa mundo  Na walang buhay  Walang kulay  Walang nagmamahal  Ngunit kung ako'y mahihintay  Umasa pa't umibig pang muli  Minsan pa    Minsan pa akong nangarap  At sana'y maganap  Sa'yo'y ibibigay lahat  Narito ngayo't kailanman  Ikaw ang langit ko  Tanging ningning ng buhay ko    Halina sa piling ko  Alisin ang takot ko  At sa muling malasap  Ang pag-ibig na ganap  At ang pangarap na mundo  Ay matupad sa piling mo  Ayaw ko nang muling mabuhay na nag-iisa    Ikaw ang simula't wakas  Ang ngayon at ang bukas  Ikaw ang pag-asa habang buhay  Mahal pa rin kita  At hanggang wakas  Pag-ibig ko'y sadyang wagas  Ngayon at kailanman...   Aahhh...     At ang pangarap na mundo  Ay matupad sa piling mo  Ayaw ko nang muling mabuhay na nag-iisa    Ikaw ang simula't wakas  Ang ngayon at ang bukas  Ikaw ang pag-asa habang buhay  Mahal pa rin kita  At hanggang wakas  Pag-ibig ko'y sadyang wagas  Ngayon at kailanman  Minsan pa