Clean Lyric
Paragraph Lyric
Noong panahong siya ay hari
Masigla ang kanyang pagbati
Mahigpit ang hawak ng mga daliri
At ang lakad nama'y matuwid

Mahusay ang kanyang talumpati
Makisig kung siya ay magdamit
Malalim ang kanyang pag-iisip
At lahat ay sa kanya nakatitig

Ngunit ngayong siya'y pagod na
Mahina na rin ang katawan
Pinagmamasdan na lamang sa bintana
Ang unti-unting pagdaloy ng ulan

At ang unang tanong sa umaga
Kung ano ang kanyang nagawa
Sa paglipas ng siyamnapung taon

Nang siya'y malakas at bata pa

Chorus:
Si Lolo Jose, si Lolo Jose
Si Lolo Jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
Kahit siya ngayon ay laos na

Sa piling ng mga alaala
Lagi na lamang nag-iisa
Kahit sulyap, walang maaasahan
Sa anak na 'di man siya mapagbigyan

At ang unang tanong sa umaga
Kung mayro'n pa siyang magigisnan
Na liwanag sa nalalabing buhay
Ngayon siya'y matanda at laos na

Chorus:
Si Lolo Jose, si Lolo Jose
Si Lolo Jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
Kahit siya ngayon ay laos na

Sa dilim ng kanyang pag-aasam
Maghapon na lang nakabantay
Kung kanyang matatanaw pa ang hiwaga
Nang hindi malimot niyang nakaraan

At ang diwa ng kahapon
'Di na matagpuan
At ang sinag ng umaga
Dinaanan ng ulan

At ang hirap ng nasa puso
'Di na mapapantayan
Kung maari lang, maari lang
Pawiin ang dusa

Chorus:
Si Lolo Jose, si Lolo Jose
Si Lolo Jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
Kahit siya ngayon ay laos na
Noong panahong siya ay hari  Masigla ang kanyang pagbati  Mahigpit ang hawak ng mga daliri  At ang lakad nama'y matuwid    Mahusay ang kanyang talumpati  Makisig kung siya ay magdamit  Malalim ang kanyang pag-iisip  At lahat ay sa kanya nakatitig    Ngunit ngayong siya'y pagod na  Mahina na rin ang katawan  Pinagmamasdan na lamang sa bintana  Ang unti-unting pagdaloy ng ulan    At ang unang tanong sa umaga  Kung ano ang kanyang nagawa  Sa paglipas ng siyamnapung taon    Nang siya'y malakas at bata pa     Chorus:  Si Lolo Jose, si Lolo Jose  Si Lolo Jose ay matanda na  Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose  Kahit siya ngayon ay laos na    Sa piling ng mga alaala  Lagi na lamang nag-iisa  Kahit sulyap, walang maaasahan  Sa anak na 'di man siya mapagbigyan    At ang unang tanong sa umaga  Kung mayro'n pa siyang magigisnan  Na liwanag sa nalalabing buhay  Ngayon siya'y matanda at laos na    Chorus:  Si Lolo Jose, si Lolo Jose  Si Lolo Jose ay matanda na  Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose  Kahit siya ngayon ay laos na    Sa dilim ng kanyang pag-aasam  Maghapon na lang nakabantay  Kung kanyang matatanaw pa ang hiwaga  Nang hindi malimot niyang nakaraan    At ang diwa ng kahapon  'Di na matagpuan  At ang sinag ng umaga  Dinaanan ng ulan    At ang hirap ng nasa puso  'Di na mapapantayan  Kung maari lang, maari lang  Pawiin ang dusa    Chorus:  Si Lolo Jose, si Lolo Jose  Si Lolo Jose ay matanda na  Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose  Kahit siya ngayon ay laos na