Clean Lyric
Paragraph Lyric
May ningning pa ang mga bituin
Nagbangon na sila't handa nang salubungin
Yaong mga mangingisdang nagpalaot sa magdamag
Katulad ng marami pang kabiyak naroroon si Lea, naghihintay

Kilala nya ang kilos ng dagat
Kilala niya ang mga awit ng habagat
Saksi ang mga alon sa wagas ng pagsuyo
At sa tuwing pagdating ng sinta
Panglaw sa puso'y dagling naglalaho

Wala mang katiyakan, muling pagsasama
Natutunan na niyang mahalin ang pangamba
Natutunan na niyang mahalin ang paghihintay
Wala mang katiyakan, Naroroon si Lea, naghihintay

May ningning pa ang mag bituin
Nagbanong na siya't handa nang salubungin
Ang mahal na asawang lagi't laging lumilisan
Ang tubig sa kanyang mga mata
Maaring luha ng tuwa o pagdurusa
Wala mang katiyakan...
May ningning pa ang mga bituin  Nagbangon na sila't handa nang salubungin  Yaong mga mangingisdang nagpalaot sa magdamag  Katulad ng marami pang kabiyak naroroon si Lea, naghihintay    Kilala nya ang kilos ng dagat  Kilala niya ang mga awit ng habagat  Saksi ang mga alon sa wagas ng pagsuyo  At sa tuwing pagdating ng sinta  Panglaw sa puso'y dagling naglalaho    Wala mang katiyakan, muling pagsasama  Natutunan na niyang mahalin ang pangamba  Natutunan na niyang mahalin ang paghihintay  Wala mang katiyakan, Naroroon si Lea, naghihintay    May ningning pa ang mag bituin  Nagbanong na siya't handa nang salubungin  Ang mahal na asawang lagi't laging lumilisan  Ang tubig sa kanyang mga mata  Maaring luha ng tuwa o pagdurusa  Wala mang katiyakan...