Clean Lyric
Paragraph Lyric
"Bahala na," sabi ng karamihan,
ugali na hindi maiwasan
Sa gawain, maging sa pamumuhay,
hindi malimot ang wikang "bahala na"
"Bahala na," kahit na sa pag-diga
ang binatang uhaw sa pagsinta
Pinipilit mabola ang dalaga, at kung
ang "Oo'y" makamit "bahala na!"
Ewan ko ba kung bakit nga ganyan, kahit na kailanman
Sa anumang iyong ginagawa, bahala na'y hindi nawawala
Bakit kaya, tayo'y ganyan, bukambibig "bahala na?"
Bahala na--sabi ng karamihan
Bahala na--ngayon at kailanman
Bahala na--hindi malilimutan,
bukambibig nating lahat araw-araw
Bahala na--anuman ang mangyari
Bahala na--handa nang magtiis
Bahala na--sa buhay at pag-ibig,
kahit ligaya o lumbay "Bahala na!"
"Bahala na," sabi ng karamihan,   ugali na hindi maiwasan   Sa gawain, maging sa pamumuhay,   hindi malimot ang wikang "bahala na"   "Bahala na," kahit na sa pag-diga   ang binatang uhaw sa pagsinta   Pinipilit mabola ang dalaga, at kung   ang "Oo'y" makamit "bahala na!"   Ewan ko ba kung bakit nga ganyan, kahit na kailanman   Sa anumang iyong ginagawa, bahala na'y hindi nawawala   Bakit kaya, tayo'y ganyan, bukambibig "bahala na?"   Bahala na--sabi ng karamihan   Bahala na--ngayon at kailanman   Bahala na--hindi malilimutan,   bukambibig nating lahat araw-araw   Bahala na--anuman ang mangyari   Bahala na--handa nang magtiis   Bahala na--sa buhay at pag-ibig,   kahit ligaya o lumbay "Bahala na!"